Sabado, Pebrero 20, 2016

Tara Na't Maging Bundat! by: Samuel Tadeo


Ang Pilipinas ay isa sa maraming bansa sa Asya na may mga halu-halong pagkain. Maraming pagkain sa ating bansa na hindi masyadong tinatangkilik dahil ang mga pagkaing banyaga ay binibigyang pansin. Minsan naman nakalilimutan natin ang kultura natin. Ikaw ba’y kumakain ng sariling atin?


Maraming pagkain sa ating bansa ang masarap. Para sa akin, mas masarap ang pagkain na kinakain sa umaga. Ang karamihan ng mga pagkain na ito ay pinapares sa mainit na inumin kagaya ng kape o Milo. Ang ibang pagkain rin ay matigas, malambot o kadalasan malagkit.


Ang Bibingka ay isa sa mga pinakakilalang pagkain na masarap kainin kapag may kape. Ito’y gawa sa sa harina na galing sa bigas. Ito’y madalas na kinkain kapag Pasko.


Ang Suman na may latik ay isa sa mga paborito ko. Ito ay gawa sa malagkit na bigas. Ito naman ay nilalagyan ng latik sa ibabaw para ito ay tumamis. 


Ang puto seko naman ay isa sa mga pagkain na kinahihiligan ko. Ito ay maputi, matigas, at medyo matamis. Kagaya ng Bibingka ito rin ay gawa sa harina ng bigas.



Kung iisipin mo, nakalulungkot kung bakit hindi natin ito pinapansin. Hindi ko alam kung bakit hindi natin alam ang mga pagkain na ito. Dahil ba ito’y sa paraan kung paano tayo pinalaki? O baka ito na ang naging kasanayan natin?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento