Linggo, Pebrero 21, 2016

Pagkaing Pilipino: Ito’y para sa iyo by: Karl Bueno


 Ang pagkaing Pilipino ay masarap at malasa para sa kahit anong uri ng tao. Marami kang makikita sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Mula sa karanasan, talagang orihinal ang paggawa ng pagkaing Pilipino. Sa pagluluto, kahit isang kasangkapan na puwede mong hatiin, durugin, o initin, ay dapat hindi maiiwan sa paggawa ng kahit anong pagkain. Ngayon, magbibigay ako ng mga halmbawa ng pagkaing Pilipino na ipinapakita nito!


Tatlong pagkaing Pilipino ang tatalakayin ko ngayon, at isa sa mga ito ay ang longganisa. Ang pagkaing ito ay sikat sa maraming lugar, kung hindi lahat, sa Pilipinas! Ang longganisa ay isang uri ng “longaniza,” galing sa Espanya. Dito sa Pilipinas, mayroong tatlong uri ng longganisa na galing sa Vigan, Lucban at Guagua. Ang hitsura nito ay katulad ng isang hotdog. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng bituka ng baboy (pig intestines) bilang pambalot. Ang lasa nito ay naiiba batay sa kung saan ka ngayon. Ito’y gawa sa durog na baboy,  katulad ng “longaniza” mula sa Espanya, pero ang pagkakaiba nito ay maaaring gamitin ng kahit anong uri ng karne sa paggawa ng longganisa. Maaari ring gamitin ng manok, baka at bangus sa paggawa nito.


Ang pangalawang pagkaing Pilipino ay ang pork sisig, isang sikat na pagkain mula sa Pampanga. Ang pork sisig ay nagmula sa Pilipinas, pero mahahanap mo rin ito sa iba’t ibang bansa. Ang pagkaing ito ay ang gawain ni Lucia Cunanan, o “the Sisig Queen.” Karamihan ng panahon na itlog ang nilalagay sa ibabaw nito. Ito’y gawa sa mukha ng baboy na hinati-hati gamit ng kutsilyo. Mayroong iba’t ibang uri ng sisig na gawa sa bangus, pusit, at iba iba! Dahil maraming kayang gawin sa paggawa ng pagkaing ito, puwede kang gumawa ng sarili mong uri ng sisig!


Ang pangatlong pagkaing Pilipino ay ang Pansit Palabok o Pansit Luglog, isang uri ng pansit dito sa Pilipinas. Maraming kasangkapan ay nilalagay sa ibabaw ng pagkaing ito. Puwede mong maglagay ng hipon, durog na chicharon, pinakuluan na baboy, at iba pa! Ang mga Pilipino ay gumagamit ng isang sarsa na ang lasa nito ay parang hipon. Ang mga bihon nito ay gawa sa kanin. Ito’y katulad ng Pansit Malabon sa paraan ng paggawa at ang kasangkapang kailangan para gawin ito.


 Ipinapakita ng mga Pilipino, sa paraan ng paggawa ng sariling pagkain, na malawak ang kanilang pag-iisip.  Hindi ko rin kailangang sabihin na ang paggawa ng pagkain ay isang paraan ng mga Pilipino na ipahayag ang kanilang pagkatao bilang isang masayang residente ng Pilipinas! Ang mga bagay na kayang gawin ng mga Pilipino ay talagang hindi maliitin. Kaya, ano ba ang inyong opinyon tungkol sa pagkaing Pilipino? Dadaan ka ba sa isang kainan at titikim mo ang mga pagkain ng Pilipinas?



Turo-turo sa Pinas by: Zach Rondario

 Tunay na kilala o patok sa mga Pinoy at Dayuhan ang mga turo-turo sa Pilipinas.
Ang mga turo-turo ay di’ maikaiilang isa sa mga kinakain ng mga Pinoy. Kayo ba ay nakatikim ng mga natatanging turo-turo tulad ng Balut, Adidas, Taho atbp. ? Ang mga iyo kasi ay nagiging parte ng ating kultura kung kayat hinihikayat ko kayo na tikman ang mga ito. 
         
 Ito ang mga natatanging turo-turo na makikita sa mga kalye sa Pilipinas. Hindi
nakapagtataka na ang Balut ay kilala dahil sa kanyang di’ karaniwang lasa na nagbibigay ng saya sa mga kumakainnito. Ito rin’ ay nakatutuwang kainin dahil pagnatikman
mo na ito, hindi ka na makakatigil sa pagkain nito.

Isa rin sa natatanging turo-turo ay ang inihaw na paa o “Adidas”. Ang Adidas ay isa sa mga tanyag na turo-turo dahil sa kanyang malinamnam na lasa.Pagkagat mo sa daliri ng manok, mapupuno ng lasa ang iyong bibig. Kapag kinakain mo ang Adidas, para kang kumakain  ng malambot na unan dahil sa taba na makikita mo rito.

Ang huli ay ang pampagising na Taho. Ito ay isa sa mga pampasimula ng araw na gawa  
sa soya , arnibal na dinagdagan ng maliliit na perlas ma maladkit. Ito ay kilala dahil halos lahat ng mga Pinoy ay bumili nito sa mga naglalakad na tindero o magtataho sa kalsada at mga subdibisyon.

Tunay na kahanga-hanga ang mga putahe na itona makikita sa mga lokal na kalye. Ang mga ito ay nagpapakita ng ating katangi-tanging lasa pagdating sa mga putahe, Sana nahikayat ko kayo na tikman ang mga kakaibang lasa ng mga turo-turo sa Pinas. Kaya, hinahamon ko kayo na tikman ang mga kakaibang turo-turo na makikita ninya at baka maging agahan, tanghalian at hapunan ninyo  ang mga ito.

Panghimagas at Miryenda by: Jalf Quimson

Tunay na napakadami ang uri ng pagkain sa Pilipinas, ngunit ang pinaka- masayang kainin at ang kadalasang ipinagmamalaki ng Pinoy ay ang panghimagas o miryenda. Ang una kong tanong sa inyo ay: may nakilala na ba kayong Pilipino na hindi mahilig sa matamis na panghimagas at sa malinamnam na miryenda? Ito’y dahil ako’y sigurado na ang kadamihan ng mga Pilipino ay sabik na sabik nang may makita silang makukulay na panghimagas at miryenda, at kung tatanungin mo pa sila kung bakit, sila’y siguradong magbibigay ng napakadaming dahilan. Ikaw ba mismo ay nakatikim na ng panghimagasna Filipino ngayong panahong tag-init.
Ito ang mga halimbawa ng sikat at kilalang panghimagas at miryenda sa Pilipinas.

Ang isa sa mga pinakakilalang panghimagas ay ang Halu-Halo. Marami itong masasarap na kasangkapan, kagaya ng saging, Kondensada, gulaman, keso, at iba pa. Ito rin ay tunay na angkop sa panahong tag-init dahil marami itong yelo na nakakapag presko sa katawan.

Ang Suman ay isa naming halimbawa ng miryenda sa Pilipinas. Ito’y gawa sa malagkit at matabang na kanin, ngunit kung lagyan ito ng asukal, iyo’y magbibigay ng hindi inaasahang, ngunit napakasarap at tamis, na surpresa sa inyong bibig. Ang Suman ay binabalot rin sa dahoon ng saging.


Ang huli, ngunit ang isa sa mga pinakakakaibang pagkain na matatagpuan dito ay ang Champurrado. Ito’y mayroong dalawang pangunahing kasangkapan, kanin at tsokolate. Ang Champurrado ay isa rin sa pinakamatandang pagkaing Filipino na naimbento ng ating mga ninuno.

Masasabi ko talaga sa huli na ako’y kasali sa mga taong nagpapalaganap ng kakaiba ngunit malinamnam na pagkaing Filipino. Importante na malaman ng ating kababayan kung gaano kaespesyal ang ating pagkain; at ito’y posibleng makamit gamit ang “internet” o “websites”. Ang isa pang bagay na puwedeng gawin upang mapalaganap ito ay gumawa at magbenta sa ating kapitbahay o sa iba’t ibang dayuhan at tao. Gagawin ko ang lahat ng ito dahil kinalakihan ko at mahal na mahal ko ang pagkaing Filipino.





Sabado, Pebrero 20, 2016

Tara Na't Maging Bundat! by: Samuel Tadeo


Ang Pilipinas ay isa sa maraming bansa sa Asya na may mga halu-halong pagkain. Maraming pagkain sa ating bansa na hindi masyadong tinatangkilik dahil ang mga pagkaing banyaga ay binibigyang pansin. Minsan naman nakalilimutan natin ang kultura natin. Ikaw ba’y kumakain ng sariling atin?


Maraming pagkain sa ating bansa ang masarap. Para sa akin, mas masarap ang pagkain na kinakain sa umaga. Ang karamihan ng mga pagkain na ito ay pinapares sa mainit na inumin kagaya ng kape o Milo. Ang ibang pagkain rin ay matigas, malambot o kadalasan malagkit.


Ang Bibingka ay isa sa mga pinakakilalang pagkain na masarap kainin kapag may kape. Ito’y gawa sa sa harina na galing sa bigas. Ito’y madalas na kinkain kapag Pasko.


Ang Suman na may latik ay isa sa mga paborito ko. Ito ay gawa sa malagkit na bigas. Ito naman ay nilalagyan ng latik sa ibabaw para ito ay tumamis. 


Ang puto seko naman ay isa sa mga pagkain na kinahihiligan ko. Ito ay maputi, matigas, at medyo matamis. Kagaya ng Bibingka ito rin ay gawa sa harina ng bigas.



Kung iisipin mo, nakalulungkot kung bakit hindi natin ito pinapansin. Hindi ko alam kung bakit hindi natin alam ang mga pagkain na ito. Dahil ba ito’y sa paraan kung paano tayo pinalaki? O baka ito na ang naging kasanayan natin?


Ang Dati'y 'Di Nakatatanda by: Liam Biteng


Ang pagkaing Pilipino ay kadalasang hindi na pinapansin o kinikilala ng kababata ngayon. Kahit sa dami-dami ng makukulay at kakaibang lasa sa iba't ibang parte ng bansa, ang kabataan ay masmadalas na pinipili ang Mcdonald's, Starbucks, at Italiannis. 


Sa sulating ito, ay ilalahad ang tatlong katangian ng pagkaing Pilipino: Ang Kilala, Ang bago at Ang Kakaiba. Ihanda ninyo ang inyong panlasa dahil kayo ay siguradong magugutom sa mababasa ninyo mula ngayon.


1) Ang Kilala: Halu-Halo
Ito ay ang madalas ninyong iniisip na kainin pagdating ng bakasyon, at masmadalas na hindi lang isa ang kinakain dahil sa matamis at malamig na kasangkapan na bumubuo sa uso na meryendang ito. Ang Halu-Halo, ay paburito ng halos lahat ng Pilipino; mula bata hanggang matanda, ito ay ang nagbububukas ng saya at gigil pagakatapos ng isang subo at isa pa pagkatapos.


2) Ang Bago: Binusog na Lechon
Noong nakaraang taon lamang ito nakarating, ngunit nakuha na niya ang puso at tiyan ng ating bansa! Ang Binugsog na Lechon ay gawa ng restaurant-buffet Vikings. Ito ay nakapanalo ng higit na 13 na gantimpala, at gutom ng mamamayan. Kung malabo ang imahe ng isang binusog na  lechon, isipin mo lamang ang tipong lechon ngunit ito ay "binisog" ng ginisang kanin, laman ng lechon at ang pangsawsaw nito. Kaya't kung iniisip na ninyong kainin ang napakasarap at malinamnam na ulam na ito, aba, lumabas na kayo at namnamin itong biyaya ng diyos!



3) Ang Kakaiba: Kamaru
Kung nakakita ka na ng mga na kumakain ng pritong langam o palaka, ang Kamaru naman ay yari sa kuliglig. Kadiri kung iisipin, ngunit ito ay masarap at malutong pagkinain. Mula sa napakalawak na paraan ng pagluluto ng Pampanga, ang kamaru ay pangit man tignan pero pagtinikman ay mamahalin. Kung hindi kayo parin benta dito, pwede naman  itong kainin na hinalo sa maskilalang pagkain Pilipino, tulad ng adobo o ginata; pero mas masarap ito kapag siya ay ginisa lamang. Madalas itong kinakain kasama ng kamatis at suka kapag ginisa. Ang Kamaru ay paburito ng katatanda at kababata ng Pampanga, at sina dito rin sa Manila.


Sa huli, ang tatlong pagkaing Pilipino na ito ay talagang napakasarap. Sana ang aking isinulat ay makakapagbago ng isip sa kabataang Pilipino at ipagmalaki at ibahagi sa pamilya at kaibigan nila. Pilipino man o hindi.


Pagkain by: Paolo Figueroa

                                                                   

Sa Pilipinas, maraming masarap na pagkaing Pilipino ay maaaring kainin ng mga tao. Napakadaming pagkaing masasarap ang madalas hanapin, minsan ito ay mahirap matagpuan. Ngunit minsan, nandidiri and mga tao sa pagkaing Pilipino dahil sa kapinuhan nito.


Maraming masasarap na pagkaing Pilipino sa Pilipinas. Isang halmbawa ng masarap na pagkaing Pilipino ay ang Empanada. Ang Empanada ay kulay kahen at ito’y ipiniprito. Kadalasan ang laman nito ay karne, itlog at minsan kinakain kasabay ng suka.









Isa pang halimbawa ng masarap na pagkaing Pilipino ay ang Balut. Ang Balut ay minsan mahirap hanapin, depende kung nasaang lugar ka. Ito’y isang itik nan a sa loob pa lamang ng “shell” nito. Minsan rin ay sinisipsip ng tao ang sopas na na sa loob ng “shell.” 






Ang huling halimbawa ay ang Puto Bumbong. Ito’y malagkit at lasang ube. Kadalasan ito’y kinakain kasabay ng niyog at asukal. Ang kulay nito ay lila, kakulay rin ng ube at ang niyog naman ay kulay puti.


Maraming masasarap na pagkaing Pilipino sa Pilipinas tulad ng Empanada, Balut at Puto Bumbong. Sa Pilipinas marami kang madidiskubre na masasarap at kakaiba na pagkaing Pilipino na sigurado mapapasaya sa iyo.